Miyerkules, Enero 11, 2017

Lutong Persiano

Sa tuwing nakakapunta ako sa isang lugar ng unang beses, lagi akong naglilibot, bumibili ng pasalubong para sa mga kaibigan, kumukuha ng mga litrato at ang hinding hindi mawawala ay ang pagtikim ng mga pagkain na bago palang sa aking paningin.


Sabi nga ni Michelle Shappirio, "To travel is to eat". Hindi mawawala ang pagkain lalong lalo na kapag ikaw ay naglilibot sa mundo. Isa ito sa mga pinaka rason kung bakit binibisita ang isang lugar. Sa Persia o mas kilala na ngayon na Iran ay may mga nadiskubre akong tatlong putahe na paniguradong magugustuhan niyo ding tikman.



Ang una at kakaibang pagkain na aking nadiskubre ay ang Tadeeg o Tadhig . Ito ay gawa sa sa tutong at nilagyan ng minatamis na saffron. Ang Iran ang may pinaka malaking produksyon ng saffron sa buong mundo na may nobentang porsyento.Ang tadeeg ay madalas na inihahain sa mga handaan o sa mga bisita. Madalas itong hinahaluan ng tinapay, yogurt, patatas at kamatis. Madalas naman itong pinapailaliman ng mga gulay na hinati sa maninipis upang maging malutong katulad ng karots, patatas at kamatis.  Sabi ng mga Irani ang tadeeg ay saktong sakto sa personalidad nila na mahilig sa mga pasunog na pagkain. Puwedeng puwede itong pagkain na ito mapabata man o matanda dahil sa angking tamis nito.Sabi pa ng mga ilang turista, "Tadeeg, the best part of Persian Rice!"




Ang pangalawa ko namang nadiskubre ay Fesenjoon. Nagmula ito mula sa probinsya ng Gilan sa Iran. Kilala ang Gilan sa dami ng populasyon ng mga pato kaya ang mga pagkain sito ay madalas may pato o 'di naman kaya manok.Isa na rin ang Fesenjoon sa kanilang putahe na may pato. Ito ay gawa sa nilagang katas ng ggranada (pomegranate), sibuyas, walnuts at pato o manok. Maari rin namng haluan ito ng bola-bola (giniling na baboy), isda o di kaya wala talagang karne. Madalas na hinahain ito kapag tag-ulan sa kanila. Ang paggamit ng prutas na granada ang dahilan kung bakit sabi ng mga Irani ay kakaiba ang putahe dahil nagbibigay ito ng kakaibang lasa na masarap. Isa ito sa mga inihahain lalong lalo na kapag may bisita. Isa din ito sa mga paborito ng mga Irani. Madalas itong ipinapares sa mainit na kanin kaya talagang   nakakabusog ito.






Ang pangatlo at huli kong nadiskubre ay Qormeh Sabzi (ghormeh sabzi) . Ang  Qormeh Sabzi ay isa sa pinaka sikat at pinaka masarap na lutong Persiano. Ito din ang itinuturing na "Pambansang Pagkain ng Iran". Ang "qormeh" ay nangangahulugang "stew" at ang "sabzi"  ay nangangahulugan namang "herbs". Ibig sabihin ay ang putaheng ito ay pinaghalohalong mga gulay na kulay berde. Kabilang na ang perehil, leeks, unsoy at tuyong dahon ng fenugreek. Hinahaluan din itong karne ng tupa.  Lahat ng nakahalo dito ay masustansya at malasa. Nagbibigay ito ng lasa na maasim-asim na ikinagugusto ng lahat ng tumitikim dito.Sabi sa isang blog na aking nakita, " I’ve never met anyone  
who doesn't like ghormeh sabzi."         Nanatili ang masarap na lasa nito           noon hanggang ngayon. Hindi din         nabago ang paraan ng pagluluto nito   sa dumaang panahon. Kahit nagagawa na itong pizza o palaman sa tinapay ay parehas na parehas pa din ang lasa na ibinibigay nito. Ito din ang pinaka binibisitan pagkain sa Iran.


Kitang kita naman natin kung anong uri ng mga pagkain ang gusto ng mga Irani. Gusto nila ng medyo sunog na pagkain, kanin, mahilig din sila sa mga stew, masusustansya, maraming gulay at madalas na may halo na pato o manok. Ang lutong Irani ay sumisikat na din sa ibang mga lugar at mga bansa katulad ng Los Angeles, London, Washington D.C., Vancouver at Toronto.





Pinagkunan:
  • https://www.google.com.ph/search?q=tadeeg+image&espv=2&biw=1280&bih=918&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwir9vTb_rnRAhUBVbwKHY5BANcQ_AUIBigB#imgrc=-LYJsPYLEgcUCM%3A
  • https://www.google.com.ph/search?q=tadeeg+image&espv=2&biw=1280&bih=918&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwir9vTb_rnRAhUBVbwKHY5BANcQ_AUIBigB#tbm=isch&q=fesenjoon&imgrc=rgaIFUeOuS7ZsM%3A
  • https://www.google.com.ph/search?q=tadeeg+image&espv=2&biw=1280&bih=918&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwir9vTb_rnRAhUBVbwKHY5BANcQ_AUIBigB#tbm=isch&
  • https://www.google.com.ph/search?q=tadeeg+image&espv=2&biw=1280&bih=918&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwir9vTb_rnRAhUBVbwKHY5BANcQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ghormeh+sabzi&imgrc=fOsrAPDby1xtbM%3A
  • https://www.google.com.ph/search?q=tadeeg+image&espv=2&biw=1280&bih=918&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwir9vTb_rnRAhUBVbwKHY5BANcQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ghormeh+sabzi+pizza&imgrc=muUty_caBsBH9M%3A
  • http://turmericsaffron.blogspot.com/2008/12/ghormeh-sabzi-persian-herb-stew.html